Add parallel Print Page Options

Nabalitaan ng mga Israelita na galit na galit ang mga Filisteo sa kanila dahil sinalakay ni Saul ang kampo. Kaya nagtipon ang mga Israelita sa Gilgal kasama ni Saul.

Nagtipon ang mga Filisteo para makipagdigma sa mga Israelita. Mayroon silang 3,000[a] karwahe, 6,000 mangangabayo at mga sundalo na kasindami ng buhangin sa tabing-dagat. Nagtipon sila at nagkampo sa Micmash, sa silangan ng Bet Aven. Nang makita ng mga Israelita na nanganganib ang sitwasyon nila, nagtago sila sa mga kweba, talahiban, mga batuhan, hukay at mga imbakan ng tubig.

Read full chapter

Footnotes

  1. 13:5 3,000: Ganito sa ibang mga teksto ng Septuagint at sa Syriac. Sa Hebreo, 30,000.